ARTIKULO SAIS: The Mistress feat. Maria del Rosario Gil de Montes de Sanchiz

May mga taong tila nalilimutan natin sa ating buhay pero malaking naiambag kung sino tayo ngayon. Sa madaling sabi, kung wala sila, iba tayo sa kung ano tayo ngayon. Ganoon din sa ating kasaysayan. Isipin mo kung wala si Rizal sa kasaysayan. Ang hirap hindi ba? Maaring may ibang gagawang iba para sa kanya pero madaming mababago. Ngayon, itatampok natin ang isang taong nalimot na ng kasaysayan pero dapat na tinitingala ng mga kababaihan ngayon, si Maria del Rosario Gil de Montes de Sanchiz.

Si Donya Maria del Rosario Gil de Montes de Sanchiz ay ang kulasisi ng liberal na gobernador-heneral na si Carlos Maria de la Torre (1869-1871). Asawa siya ni Koronel Francisco Sanchiz ng hukbong sandatahan ng Espanya at isa rin siya sa unang feminista sa Pilipinas. Sumulat siya ng isang librong kilala bilang El Hombre de Dios na siyang kinagalit ng mga prayle dahil lang isinulat ito ng isang babae.

Noong Hulyo 12, 1869, idinaos ang unang liberal na political rally sa bansa. Sa piging noong gabi, si Senyora de Sanchiz ang naging party hostess. Kasama sa mga dumalo ay ang mga prominenteng makabayan noong panahon na iyon tulad nina Joaquin Pardo de Tavera at ang kura paroko ng Katedral ng Maynila, si Padre Jose Burgos. Nakatali ang kanyang buhok at nakalagay rito “Mabuhay ang Malayang Bayan” at “Mabuhay ang Kalayaan” na siyang gumulat sa buong Maynila. Sumulat siya ng isang speech at binasa sa piging na ito. Ang speech niyang ito raw ay subersibo at kinagalit ng mga kaparian.

Sa isang mundo ng pakanan, ang babaeng si Senyora de Sanchiz lang ang sumalungat sa agos. Tinawag siyang Madre de los Filipinos (Ina ng mga Pilipino) dahil sa kanyang kontribusyon sa kaniyang panahon. Ang nakakapagtaka lang, bakit wala ito sa ating mga textbook? Bakit bilang lang ang kababaihang naaalala sa ating kasaysayan?

Source:

Guerrero, Leon Ma. The First Filipino. National Historical Commission, 1974. pp. 10, 508

Ocampo, Ambeth R. Looking Back. Anvil Publishing, 2010. pp. 8-10

Featured Image: A detail from the diorama depicting the first liberal political party in the Philippines, July 12, 1869. This diorama can be seen in the Ayala Museum. Photo taken by Oswald Santos.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s