ARTIKULO SIETE: May Forever feat. Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus

Sandali… akala ko ba walang forever? Bakit ngayon meron na? Basahin mo na lang.

Parehas Tagalog sina Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus: si “Andoy” (isinilang 1861) ay taga-Tondo samantalang tubong Kalookan naman si “Oryang” (isinilang 1875). Kamamatay lang ng asawa ni Andoy na si Monica sa sakit na ketong at di nagtagal, nakilala niya si Oryang. Tutol ang mga magulang ni Oryang sa pagsasama ng dalawa. Kaya’t nagpasya ang mga magulang ni Oryang na ilipat siya at itago sa isang bahay sa Binondo.

Noong taong 1893, trenta (30) anyos na si Bonifacio, samantalang disiotso (18) pa lang si Oryang. Malaki man ang agwat ng kanilang mga edad, talagang gusto nila ang isa’t isa. Gumawa si Oryang ng paraan sa pamamagitan ng pagsulat sa gobernadorcillo (kapantay ng alkalde o mayor sa panahon ngayon) ng Binondo na siya ay kinukulong sa kanilang bahay sa lugar ring iyon para ilayo  sa kanyang novio. Ang hindi alam ng kaniyang mga magulang ay pinaglapit lang sila. Gaano kalapit? Limang kanto!

Noong Disyembre 6, 1893 sinugo si Cornelio Gomez (may-ari ng tinutuluyan ni Oryang) ng gobernadorcillo ng Binondo. Kinabukasan, walang taong natagpuan sa bahay na iyon! Binalik pala si Oryang sa Kalookan.

Matapos naman ang dalawang araw, Disyembre 9, iniutos naman ng gobernadorcillo ng Kalookan na dalhin si Oryang sa gobernadorcillo ng Binondo. Ang sabi ng strict na parents, may sakit daw. Marahil naubusan na ng pasensya ang mga gobernadorcillo sa palusot ng pamilya. Nagpadala ng doktor ang gobernadorcillo ng Kalookan at ang napag-alamang anemic at hysterical si Gregoria de Jesus.

Matapos ang isang buwan, sumulat si Oryang sa gobernadorcillo ng Binondo para makapagpakasal na sila ni Andoy kahit ayaw ng mga magulang niya. Wala na yung records after dito. Nagpakasal sila. Bandang Hunyo 20, 1894, may record sa Simbahan ng Binondo na nagpakasal ang isang Andres Cipriano ng Tondo at Gregoria dela Cruz ng Binondo. Sila ba yan? Nagtago ba sila para makapagpakasal lang? Siguro ganoon na nga kaalab ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.

Ang tanong… did they live happily ever after? Sa kasawiang palad, hindi. Nagkasunod-sunod ang malas nila: nasunugan, namatayan ng anak, nabuko ang Katipunan, nagkagulo sa liderato ng mga rebolusyonaryo at kalauna’y nahuli si Bonifacio noong Abril 1897. Kasabay ng paghuli sa Supremo, pinagsamantalahan pa ni Koronel Agapito “Yntong” Bonzon si Oryang. Pinatay si Andres noong May 10, 1897 sa kabundukan ng Maragondon. Ilang linggong hinanap ni Oryang labi ni Andoy ngunit nabigo siya.

Di nagtagal ay pinakasalan niya ang isang Katipunerong si Julio Nakpil na siya ring sumulat ng himno ng Katipunan (at ayon na rin sa iba, ang unang pambang awit), ang Marangal na Dalit ng Katagalugan. Isa sa mga anak nila si Juan Nakpil na naging Pambansang Alagad ng Sining sa Artiketura. Namatay si Oryang noong Marso 15, 1943.

Sources:

Fernandez, Leandro H. Autobiography of Gregoria de Jesus. Philippine Magazine, June 1930. pp. 16-18, 65-67.

Ocampo, Ambeth R. Looking Back 3: Death by Garrote. Anvil Publishing, 2010. pp. 84-88.

Featured Image: A Detail from the Bonifacio Monument in Grace Park, Calooocan.

Advertisements

One Reply to “ARTIKULO SIETE: May Forever feat. Andres Bonifacio at Gregoria de Jesus”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s