ARTIKULO NUEBE: Bahala Na Kayo feat. Sergio R. Osmeña

Lapat na lapat sa singkwenta pesos ang mukha ni dating Pangulong Sergio Osmeña, isang Cebuano at isang ilihitimong anak kaya’t apelido ng kanyang ina ang kanyang ginamit. Katorse ang edad ng kanyang ina nang siya ay ipinanganak. Palibhasa’y mayaman ang angkan ng mga Osmeñang chinoy, nakapag-aral siya sa Colegio de San Carlos at nagtapos noong 1892. Nag-aral sa Letran kung saan naging kamag-aral niya si Manuel L. Quezon, Juan Sumulong at Emilio Jacinto. Nag-aral din sya sa UST at nagsecond place sa bar exam noong 1903.

Bago maging abogado, nagsilbi din syang mensahero ni Pangulong Aguinaldo para magbalita ng mga nagaganap sa Cebu. Itinatag niya ang isang diyaryo sa Cebu na El Nuevo Dia noong 1900. Naging acting governor at piskal si Sergio at naihalal na gobernador ng Cebu noong 1906. Naging bahagi siya ng Asemblea ng 1907 at naging ispiker ng Asemblea na siyang pinakamataas na puwestong maaaring hawakan ng isang Pinoy. Kaso nagkaron ng Batas Jones at nagkaroon ng Senado ang bansa. Ang kanyang kaklaseng na si Quezon ang naging Senate President at naging mas mataas na sa kanya.

Noong 1935, naihalal siyang bise ni Quezon hanggang August 1944 nang namatay si Pangulong Quezon. Nang makabalik siya sa bansa kasabay ni Hen. Douglas MacArthur noong Oktubre 1944, hinarap niya ang problema ngmuling pagsasaayos ng bansang lugmok matapos ang digmaan. Ang Maynila na siyang kabisera ng bansa ang pinakawasak sa buong rehiyong Pasipiko at pangalawa sa buong mundo kasunod ng lungsod ng Warsaw sa Poland.

Kahit wasak pa rin ang bansa, tuloy pa rin ang pulitika. Naghanda pa rin ang lahat para sa eleksyon ng April 23, 1946. Sa eleksyon na iyon malalaman kung sino ang magiging huling pangulo ng Komonwelt at unang pangulo ng Ikatlong Republika. Tumiwalag ang kasama niya sa Os-Rox mission na si Manuel Roxas at itinatag ang “Liberal Wing” ng Patido Nacionalista (na naging Partido Liberal).

Habang nangangampanya sa buong Pilipinas si Roxas, hindi nangampanya si Osmeña. Dahil dito, sumiklab ang mga tsimis na may sakit siya kaya’t hindi siya makapagsalita. Nagbigay siya ng isang talumpati noon sa Plaza Miranda:

“Alam na ng taumbayan ang nagawa ko sa loob ng 40 taon. Sinasabi nilang may sakit ako o sobrang hina kaya di ako nagsasalita…

Narito ako sa harap ninyo para makita niyo at marinig ako. Mas maputi ang buhok ko na ngayon kaysa noong nakaraang taon pero hindi ito dahil sa pag-aalala sa eleksyon kundi dahil sa aking responsibilidad para sa ating bansa na hinahamak lamang ng malalaking ambisyon ng mga maliliit na tao.”

Shots fired. Kaso, hindi naging matagumpay si Osmeña. Nakuha ni Roxas ng 54 percent ng boto ng mga Pinoy samanatalang nakuha ni Osmeña ang 45.7 percent. Matapos ng eleksyon, nagretire si Osmeña sa pulitika at namayapa noong 1961.

Sources:

Presidential Communications Development and Strategic Plannning Office. Philippine Electoral Almanac (Revised and Expanded Edition).  2015

Official Gazette. Speech of President Osmeña at Plaza Miranda, April 20, 1946. Retrieved from https://goo.gl/aA9fLW.

Featured Image: President Sergio Osmeña in his desk. Photo taken from the Presidential Museum and Library Flickr Account.

Advertisements

One Reply to “ARTIKULO NUEBE: Bahala Na Kayo feat. Sergio R. Osmeña”

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s