ARTIKULO DIYES: Walang Forever 2.0 feat. Flaviano Yengko

Ituloy natin ang isang debate base sa buhay ng mga bayani sa kasaysayan para malaman natin kung may forever ba o wala. Ang sunod na itatampok natin ay si Heneral Flaviano Yengko (Disyembre 22, 1874 – Marso 3, 1897).

Si Flaviano Yengko y Abad, ang tinaguriang Bayani ng Salitran, ay isa sa mga pinakabatang heneral ng rebolusyon (sumunod si Heneral Gregorio del Pilar at si Heneral Manuel Tinio). Nag-aral siya sa Escuela Normal at nagtapos ng may kwalipikasyong maestro de ascenso. Sumunod niyang kinuha ang kanyang bachiller en artes sa Letran. Kumuha siya ng abogasya sa UST pero tumigil noong Agosto 1896 dahil kailangan niyang “lumaban para sa Amangbayan”.

Kung tutuusin, ayaw niya sana lumaban sa rebolusyon dahil magtatapos na nga siya sa abogasya at hindi rin ito alam ng kaniyang mga magulang. Ang problema kasi ay hindi boto ang ama ng kaniyang iniirog. Sabi pa ng ama ng kaniyang napupusuan…

“Anong aasahan mo sa isang lalaking walang alam kundi bihisan ang kaniyang sarili na parang babae, hindi kumuha ng baril at lumabang parang isang lalaki alinsunod sa ating layunin?”

Palibhasa’y may karibal pa siya at isa din siyang maporma tulad ni Heneral Gregorio del Pilar. Nakarating kay Yengko ang sinabi ng ama ng kanyang sinisinta at palibhasa’y “man of honor“, gusto niyang ipakita sa ama ng sinisinta na mali ang tingin niya kay Yengko.

Noong Nobyembre 8, 1896, nakarating siya sa Imus at inutusan siya ni Presidente Aguinaldo na dalhin ang pulbura mula Maynila patungong Kabite. Pagkatapos, saksi siya sa pinakamagandang panalo ng mga Pilipino noong rebolusyon, ang Labanan sa Binakayan, kung saan itinaas ang ranggo niya at naging kapitan. Nang matapos ang taong iyon ay isa na siyang koronel. Partida, nakaporma pa si Yengko! Pinapamalas niya ang katapangan at tinatalbugan ang kaniyang karibal.

Sumunod ang labanan noong Pebrero 1897 kung saan nakalaban nila ang puwersa ni Heneral Cornelio de Polavieja. Sa labanang ito, ginawa heneral si Yengko sa edad na dalawampu’t tatlo. Kaso sadyang mapait ang tadhana. Kahit na napatunayan na ni Yengko ang kanyang katapangan, sapat na ba iyon?

Sa labanan sa Salitran (o Labanan sa Pasong Santol) noong unang araw ng Marso, nasugatan si Yengko sa kaniyang abdomen. Ayon sa mga nakakita, kahit dinadala na siya papuntang pagamutan ay hindi nanghihina ang loob ni Yengko at sumisigaw pa ng,

“Lumaban tayo! Walang aatras”.

Nang nakarating sila sa pagamutan, inabangan siya kaniyang sinisinta at inalagaan siya. Sa kasawiang palad, namatay siya matapos ang dalawang araw sa piling ng kaniyang sinisinta, Marso 3, 1897.

Source:

GMA News. Ang pag-ibig sa bayan ng batang heneral na si Flaviano Yengko. Retrieved from: https://goo.gl/lZj4Yj

Featured Image: General Flaviano Yengko and his girlfriend. Photo taken from the Retrato.com and Filipiknow.net.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s