ARTIKULO ONSE: Sadyang ‘Di Para sa Isa’t Isa feat. Felipe Agoncillo

Sabi nila pag may makikilala kang isang tao sa buhay mo, may dahilan yun at may gagawin siyang papel sa buhay mo. Naaalala ko ang isang kaibigan kong nagsabi dati,

MY LIFE IS A BOOK – EITHER YOU TEAR A PAGE, WRITE A PAGE WITH ME, OR SILENTLY READ MY PAGES“.

Ngayon sa artikulong ito, kikilalanin natin si Felipe Agoncillo (1859-1941), ang unang embahador o diplomat ng Pilipinas. Tubong Taal, Batangas, matalino si Agoncillo at nag-aral sa Ateneo Municipal de Manila kung saan honor student siya at may matataas na grado. Di nagtagal, bigla na lang siyang lumipat sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan niya tinapos ang abogasya noong 1879. Anong nangyari?

Isang araw sa Ateneo, dahil sa kagalingan, exempted si Felipe sa susunod na exam. Dumating ang araw ng pagsusulit ngunit binigyan pa rin siya ng guro. Badtrip siya kaya’t ang sinulat niya lang sa kaniyang papel ay…

“Hindi makatarungan si Padre Rektor.

Pinatawag siya dahil sa kaniyang inasal. Noong pinatawag na siya, sinunggaban niya ang pari at kinagat sa kamay. Hindi niya ito pinakawalan hanggang sa dumating ang ilang tao para tumulong.

Matapos ang ilang araw, ipinatawag ang ama ni Felipe at patutuluyin lang daw siya sa pag-aaral kung hihingi ‘to ng tawad. Eh a la eh! Hindi ata tama ‘yan. Mas pinili ng ama ni Felipe na mag-drop si Felipe kaysa tanggapin ang kahihiyan.

Nagpatuloy siya sa UST kung saan siya nagtapos ng abogasya, naging embahador at ipinadala sa Kasunduan sa Paris bilang kinatawan ng Pilipinas. Hindi siya in-entertain roon ng mga Pranses roon. Ginastos niya ang sariling pera at sinanla pati ang kayamanan ng kaniyang asawang si Marcela Mariño Agoncillo.

Nang nasakop ng mga Amerikano ang bansa, ipinatapon siya sa Hong Kong. Nang bumalik siya sa Pilipinas, kumuha siya ng bar exam noong 1905 at nakakuha ng perfect score, something na hindi pa rin napapantayan sa ngayon. Namatay siya noong 1941.

Pero bago niya makilala ang kaniyang makasaysayang misis, nagkaroon muna ng isang tagpo sa buhay niyang muntik nang magbago ng kasaysayan.

Minsan kasi’y nagkaroon ng arranged marriage si Felipe. Sa mismong araw ng kasal, kung kailan handa na ang lahat, sinumbong bigla ang nakabihis nang si Felipe. Ayaw niya na raw magpakasal. Humiga siya sa kama at sinabing may sakit siya. Kinatok siya ng kuya niya’t pinaalala ang mga obligasyon at responsibilidad niya. Nakakahiya nga naman sa babae at sa pamilya nito. May dumating na kamag-anak at sinakyan ang trip ni Felipe at sinabing,

“Bakit mo pipilitin iyang kapatid mo? Mas tamang gumawa siya ng pagkakamali ngayon kaysa magsisi siya habang buhay!”

Kinabukasan, umalis si Felipe patungong Maynila kung saan muli silang nagkita ni Marcela Mariño, anak ng isang prominenteng pamilya sa Taal. Nagpakasal sila at biniyayaan ng anim na anak na babae.

Ang ‪#‎MarLife‬‬ ay isa sa mga perfect historical couple ng rebolusyon. Si Marcela, ang nanguna sa pagtatahi ng unang watawat ng Pilipinas sa Hong Kong habang si Felipe naman ang diplomat ng republika. Parehas silang may nagawa para sa bayan. Destined ika nga.

Kailangan mo minsan mamili: gumawa ng isang pagkakamali kaysa pagsisihan mo sa buong buhay mo. Baka kasi ‘yang pinipilit mo ay hindi talaga nakalaan sa iyo. Makakakilala ka rin ng magiging kabiyak mo kung saan magtatagal kayo sa sarili niyong kaharian kung ikaw ang prisipe at siya ang prinsesa.

Sources:

Chua, Xiao. Ang Makasaysayang Mag-asawang Felipe at Marcela Agoncillo. Retrieved from https://goo.gl/JG4i8H

Ocampo, Ambeth. This Diplomat Stood Up His Fiancee. Looking Back. Anvil Publishing, February 2010. pp. 84-86

National Historical Commission of the Philippines. Marcela Agoncillo Historical Landmark. Retrieved from https://goo.gl/DnwFM9

Featured Image: Monument of Felipe Agoncillo. Photo taken from the NHCP website.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s