ARTIKULO TRESE: Ikaw Na Ba Si Mr. Right feat. Gregorio del Pilar

Ating talakayin ang buhay ni Heneral Gregorio del Pilar y Sempio (1875-1899). Si “Goyo” ay pamangkin nina Marcelo Del Pilar, miyembro ng Kilusang Propaganda at Toribio Del Pilar, isang paring nasangkot sa Pag-aalsa sa Cavite noong 1872. Labindalawang taong gulang pa lang si Goyo nang turuan sila ng kaniyang Tiyo Selong ng eskrima at itinampok ni Goyo ang kanyang opensa samantalang depensa naman kay Selong. Nagtapos ang laban sa isang tabla.

Ayon rin sa ibang historyador, natuto siyang mangaso. Sinusumpit niya ang mga ibon kahit pa nakasakay sa bangka o nasa likod ng kalabaw. Sa murang edad, naipakita na ni Goyo ang pagkakaroon ng fundamentals para sa pagiging sundalo.

Nag-aral siya at nagtapos sa Ateneo noong 1896 sa edad na 20. Nang sumiklab ang rebolusyon, sumapi agad siya sa Katipunan palibhasa ang tiyo niyang tinutuluyan ay si Deodato Arellano, ang unang supremo ng Katipunan. Isa sa una niyang labanan ay ang Labanan sa Kakarong de Sili sa Bulacan noong Disyembre 28, 1896. Nang babawiin na nila ang bayan ng Pandi, nadaplisan ng bala sa noo si Goyo, Enero 1, 1897. Dahil sa ipinamalas na katapangan, itinaas ang kaniyang ranggo at naging tinyente.

Noong Agosto 1897, nagkakilala sila Goyo at Aguinaldo. Nagpanukala si Goyo na umatake sa isang garrison sa Paombong, Bulacan. Nagtagumpay siya at na-promote muli bilang Tinyente Koronel. Kaso dahil sa Kasunduan sa Biak na Bato, ipinatapon siya sa Hong Kong kasama ang mga pinuno ng rebolusyon. Doon, nagpapasta siya ng ginto sa ngipin. Bumalik sila sa bansa kasama ni Aguinaldo at ginawa siyang diktador ng Nueva Ecija at Bulacan. Noong Hunyo 24, 1898, sumuko ang mga Espanyol sa Bulacan kay Goyo.

Di nagtagal, sumiklab naman ang Digmaang Pilipino-Amerikano. Noong Abril 23, 1899, naganap ang Labanan sa Quinga at napatay ang kagagalanggalang na koronel na si John Stotsenburg pero talo rin sila rito.

Makalipas ang ilang buwan, noong Nobyembre 1899, inatasang si Goyo ang pipigil sa paghabol ng mga Amerikano kay Pangulong Aguinaldo sa Tirad Pass. Kasama ang sisentang sundalo, pinagtanggol nila ang Tirad Pass pero natapos ang labanan sa loob ng anim na oras nang ituro ng Igorot na si Januario Galut ang isang alternatibong daan sa mga ‘Kano.

May dalawang accounts na nagsasabing nabaril si Goyo hindi pa lang nagsisimula ang labanan at sinabi ng mga ito na pinapayuko siya pero hindi siya nakinig. Isa na dun ang isang Espanyol na miyembro ng kanilang hukbo. Matapos ang labanan, hinubaran si Goyo ng mga Amerikano at ginawang souvenir lahat ng gamit niya pati butones. Dito nakita ang isang gintong locket na may mga buhok na pag-aari raw ng mga girlfriend ni Goyong at isang panyo na nakalagay ang pangalang Dolores Nable Jose.

Ayon din sa chismis ng ilang historyador, ang salitang “goyo” ay mula kay Gregorio del Pilar na may nalolokong babae diumano sa bawat bayang kanilang dinaanan. Ilan sa mga kilalang naging kasintahan niya ay sila Felipa Sempio, isang kapatid ni Koronel Leyva, si Felicidad Aguinaldo, Dolores Jose at ang misteryosang si Poleng.

Si Goyo ay minsang sumulat sa kanyang ina na nakilala na niya ang isang babaeng kaniyang papakasalan. Nagbilin rin siyang magpadala ng

ysang traje lana, corbata, alfiler, chaleco-blanca, borceguies na bago, traje na malapad, dalawang panyong bordado, zapatos charol de liston …

Masasabing si Goyo ang pinakamapormang heneral noong rebolusyon. Kinuha niya noon ang pinakamagagandang kabayo at pinasakay ang ilang binibini rito. Kung tutuusin, hindi raw natural kay Goyo iyon ayon sa historyador na si Teodoro Kalaw. Naging ganoon lang si Goyo simula noong Hunyo 1899 sa may Dagupan. Since siya rin ang isa sa pinakabatang heneral ni Aguinaldo at pogi pa, marami talagang babaeng nagkagusto kay Goyo.

Noong Disyembre 2, 1899, nabaril si Goyo at ninakawan ang kaniyang katawan. Iniwan siyang hubad at inilibing lamang matapos ang ilang linggo nang namaho na ang kaniyang mga labi. Noong taong 1920, nahukay ang kaniyang mga labi at nakilala siya dahil sa gintong pasta sa kaniyang ngipin.

Sources:

Batumbakal, Luisito. 11 Things You Never Knew About Gregorio del Pilar. Retrived from https://goo.gl/Qb1x8b.

Philippine Military Academy. General Gregorio del Pilar. Retrieved from https://goo.gl/Q1790k.

Joaquin, Nick. A Question of Heroes. Anvil Publishing.2005. pp. 185-208

Ocampo, Ambeth. Gregorio del Pilar Was a PlayboyLooking Back. Anvil Publishing. 2010. pp. 1-4.

Featured Image: Battle of Tirad Pass. Photo taken by Oswald Santos from the Ayala Museum Diorama.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s