ARTIKULO KINSE: Umaaraw, Umuulan feat. Padre Jacinto Zamora

“Hindi mo maintindihan

Kung ba’t ikaw ang napapagtripan

Ng Halik ng Kamalasan”

Ngayon ay tatalakayin natin ang buhay ng isang miyembro ng trio ng GOMBURZA, si Padre Jacinto Zamora (1835-1872). Hindi kasing talino nina Padre Mariano Gomez at Padre Jose Apolonio Burgos si Zamora. Si Zamora ang tipo ng taong “easy-go-lucky”. Matapos ang kaniyang misa, naglalaro siya ng baraha kasama ang mga kaibigan. Nagsasabong rin siya.

Si Zamora ay pinanganak sa Pandacan, Maynila noong Agosto 1835. Nag-aral siya sa Letran ng Bachiller en Artes at nagtapos sa Universidad de Santo Tomas noong Marso 1858 ng Teolohiya at Canon Laws. Matapos maordena bilang pari, si Jacinto ay nadestino at namahala sa Pasig. Dito, noong 1860, ay nagdaos siya ng isang maliit na protesta para sa pantay na karapatan ng mga paring sekular at ng mga prayle. Nakulong siya sa kanyang kwarto sa loob ng dalawang buwan dahil sa naganap. Namahala rin siya sa Marikina at Lipa, Batangas.

Nagkaroon noon ng pagsusulit para sa mga interesadong mamahala sa Katedral ng Maynila. Nakapasa si Zamora at nagsimula noong Disyembre 3, 1864. Si Zamora ang inatasan para sa mga paring kumukuha ng mga pagsusulit. Matapos makilala si Padre Jose Apolonio Burgos, naging kasapi siya ng mga paring sekular na nanghihingi ng reporma. Sila ay pinamunuan noon ni Padre Pedro Pelaez na kalauna’y namatay sa lindol sa Maynila noong Hunyo 3, 1863.

Matapos ang anim na taon, noong 1869, dumating ang liberal na gobernador na si Carlos Maria de la Torre at namayani ang malayang kaisipan sa Pilipinas. Panandaliang nagkaroon ng pantay na karapatan ng mga paring sekular at paring regular na kinagalak nina Padre Burgos. Pero hindi rin ito nagtagal.

Nagtapos ang pamumuno ng mga Carlist sa Espanya at pinalitan si de la Torre ng mahigpit na gobernador heneral na si Rafael de Izquierdo. Dahil sa muling paghigpit ng mga tuntunin, nagkaroon ng pag-aalsa sa Kabite noong Enero 20, 1872 sa pamumuno ng sarhentong nagngangalang Francisco Lamadrid. Sinugod nila ang Fuerza de San Felipe kasabay ng isang inaasahang pag-atake ng ibang rebelde sa Maynila. Kaso, nataong pista noon sa Sampalok at ang paputok sa pistang iyon ang inakalang hudyat nila Lamadrid. Dahil rito, madali silang nagapi kinabukasan.

Sinamantala ng mga konserbatibo ang sitwasyon. Marami ang ikinulong, ipinatay at ipinatapon. Ang tatlong paring sila Padre Mariano Gomes de los Angeles, Padre Jose Apolonio Burgos at Padre Jacinto Zamora ay hinuli. Nagkaroon ng isang mock trial at ipinalabas na guilty sila sa pagpaplano sa pag-aalsa sa Kabite.

Anong kaya ang ebidensiya laban sa easy-go-lucky na si Padre Zamora? Iisang ebidensiya lang ang nakita ng mga autoridad sa kaniyang tinutuluyan: isang papel na naglalaman ng mensaheng:

“MALAKING PAGTITIPON… MAGDALA KAYO NG MARAMING BALA AT PULBURA.”

Hindi naman siya rebolusyonaryo ngunit ang salitang “bala” at “pulbura” ay tumutukoy sa pera at ari-ariang itataya nila sa paglalaro ng baraha. Pati ang iskedyul ni Zamora ay halatang walang kinalaman sa nasabing pag-aalsa sa Kabite:

Enero 15 – Bumisita sa gobernadorcillo ng Sampalok (maaaring para sa paghahanda ng darating na pista)

Enero 20 – Nagsugal kasama ang mga kaibigan sa Quiapo

Enero 21 – Nagpunta sa sabungan.

Ipinahuli ang isang taong nagngangalang Jose Zamora. Kaso, ang dinampot ay si Padre Jacinto Zamora! Bakit siya na lang ang dinampot? Sinasabing ang dahilan ay ang pagiging malapit niya kay Padre Burgos! Ipiniit si Zamora sa Fuerza de Santiago kasama nina Gomes at Burgos. Doon din siya nawala sa katinuan.

Sa araw ng pagbitay sa kanila, Pebrero 17, 1872, si Zamora ang pinakatahimik sa kanila. Akala ng madla ay tahimik talaga si Zamora, ‘yun pala, wala na sa ulirat. Pangalawang binitay si Zamora – matapos kay Gomez at bago ang pinakabatang si Burgos.

Ang kaso ni Zamora ang isa double-edge sword ng timing sa Kasaysayan. Namatay siya sa tamang panahon ngunit sa paraang di niya ginusto. Ngayon, ilang bayani ba talaga mayroon ang Pilipinas? Sino ang tunay na bayani? Sino ang napagkakamalang bayani?

“Dahil wala ring mangyayari

Tayo’y walang mapapala.

Wag mong pigilan ang pagbuhos ng ulan.

May panahon para maging hari.

May panahon para madapa”

Sources:

Chua, Michael Charleston. Ang Paggarote sa Tatlong Paring GOMBURZA. Retrieved from https://goo.gl/pkeH7V.

Joaquin, Nick. A Question of Heroes. Anvil Publishing. 2005. pp. 1-23

National Registry of National Historical Commission of the Philippines Markers. Father Jacinto Zamora. Retrieved from https://goo.gl/SQT8nx.

Featured Image: A Detail from a Diorama of the Execution of the Gomburza. Photo taken from marilil.wordpress.com.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s