ARTIKULO DISISAIS: I’m Not The Only One feat. Padre Mariano Gomez

“‘Cause you don’t think I know what you’ve done…”

Ngayon, itatampok natin ang isa pa sa trio na naging inspirasyon ng ating mga bayani tulad nina Rizal at Bonifacio. Naitampok natin sa nakaraang artikulo ang “Bad Luck Brian” na si Padre Jacinto Zamora. Ngayon naman, talakayin natin ang buhay ng pinakamatanda sa kanilang tatlo, si Padre Mariano Gomes de los Angeles.

Pinanganak noong Agosto 2, 1799 sa Santa Cruz, Maynila bilang isang “tornatras” si Gomes. Ang tornatras ay isang taong pinanganak na may dugong Espanyol at Tsino. Nag-aral siya sa Letran at nagtapos ng teolohiya sa USTe. Pumasok rin siya sa Seminaryo ng Maynila.

Noong Hunyo 2, 1824, siya ay itinalagang kura paroko ng Bacoor. Maliban sa pagsisilbi bilang pari, tinuruan rin niya ang mga Kabitenyo ng agrikultura at pagpapaunlad ng industriya ng bulak. Isang pasipista si Gomes, isang taong pinagbabati ang mga kapwa niya pari. Katunayan, isa siya sa mga nagpasuko kay Luis Parang, ang nag-iisang tao na puwinersa ang Malakanyang para pakipagkasundo sa isang reporma sa lupa. Kaso, may mga panahong di niya natiis ang pagmamalabis ng mga prayle at kinalaban niya ang ilan sa mga ito.

Matagal siyang naglingkod sa simbahan at kasabay nito ay ang paghingi niya ng pantay na oportunidad para sa mga paring sekular. Naging vicar forane siya ng Kabite at may mga Rekoletos at Pransiskanong prayleng napasailalim sa kaniya. Ilan sa mga ito ay tutol sa kanyang paghingi ng pantay na karapatan – isang sanhi ng kaniyang pagkakaimplika sa Pag-aalsa sa Kabite.

Naging manunulat rin siya sa diyaryo na La Verdad (“Ang Katotohanan”) kung saan tinira niya ang pagmamalabis ng mga Espanyol at ang malawakang kurapsyon. Sa katunayan, noong Abril 1869, kinuwestiyon ni Gomes ang nangyaring nakawan ng pondo ng simbahan sa Kalapan, Mindoro sa pamamagitan ng pagsulat sa arsobispo ng Maynila.

Pitumpu’t dalawang taong gulang na siya noong 1872, nagretiro na at di na gaano aktibo sa mga gawain ng simbahan. Noong kasagsagan ng pag-aalsa sa Kabite noong Enero 21, 1872, naaresto sina Burgos at Zamora sa Maynila. Matapos ang ilang araw, saka lang nahuli si Gomes sa Kabite.

Masasabing crab mentality ang dumali kay Gomes. Ilang paring regular ang gustong kunin ang kaniyang posisyon, alinsunod sa kanilang paniniwala na mas mataas pa rin ang lahi nila kaysa sa mga indio. Kaya’t sa paglilitis ng kaso ng GOMBURZA noong Pebrero 16, 1872, wala na lang nagawa si Gomes.

Kinabukasan, nauna sa garrote si Gomes. Tahimik siya at nakatayo ng tuwid sa kaniyang puwesto. Bago siya pinaupo, binasbasan niya ang mga taong nasa Bagumbayan at winika

“Alam kong walang dahon sa isang punong makakapagpabago sa nais ng Panginoon, dahil ginusto Niyang mamatay ako para sa kaniya, susundin ko ang Kaniyang nais.”

Matapos ang paglilitis, pinag-utos ng Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo sa Arsobispo ng Maynila Gregorio Meliton Martinez na tanggalan ng abito ang tatlong pari. Hindi pumayag ang arsobispo at matapos mamatay ng tatlo ay pinatunog niya ang mga kampana ng Maynila bilang pagpupugay sa tatlo. Kahit ang arsobispo ay naniniwalang inosente ang tatlo sa pag-aalsa sa Kabite.

Inilibing ang tatlo sa isang hukay na walang tanda sa Cementerio de Paco. Noong 1998, sentenaryo ng Kalayaan ng Pilipinas, natagpuan ang mga labi ng tatlong pari.

Sources:

Chua, Michael Charleston. Ang Paggarote sa Tatlong Paring GOMBURZA. Retrieved from https://goo.gl/pkeH7V.

Joaquin, Nick. A Question of Heroes. Anvil Publishing. 2005. pp. 1-23

FilipiKnow. 13 Most Famous Last Words in Philippine History. Retrieved from https://goo.gl/SaBzqz.

Quirino, Carlos. A Checklist of Documents on Gomburza from the Archdiocesan Archives of Manila. Philippine Studies Vol. 21, No. 1-2. 1973. pp. 19-84

Featured Image: A Detail from a Diorama of the Execution of the Gomburza. Photo taken from marilil.wordpress.com.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s