ARTIKULO DISINUEBE: Both Sides Now feat. Dominador Gomez

Kung malaking tao ka na maaaring makaepekto sa kasaysayan ng Pilipinas, importante ang bawat desisyon mo. Tandaan mo rin na kasaysayan ang huhusga sa iyo. Ngayon, husgahan natin ang mga desisyong napili ni Dominador Gomez (1868 – 1929), repormista.

Pinanganak sa Intramuros, Maynila, may-kaya ang pamilya ni Dominador. Sa katunayan, celebrity ang tiyo niyang si Padre Mariano Gomez, isa sa GOMBURZA. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal hanggang nagtapos siya noong 1881. Nag-aral siya ng medisina sa USTe pero tumigil nang nagdesisyon siyang tumulak ng Espanya noong 1887. Tinuloy niya ang medisina sa Universidad ng Barcelona at naging lisensyadong doktor noong 1889. Itinuloy niya pa ang doctorate sa Madrid.

Nang mga panahong iyon, nakasama niya ang mga propagandista at naging aktibong miyembro nito. Naging manunulat siya sa La Solidaridad mula 1889 hanggang 1895 at nagtago sa pangalang “Ramiro Franco.” Malaki ang ambag niya sa kilusang nagtutulak ng reporma sa Pilipinas na noo’y kolonya ng Espanya.

Muli, tandaan natin na isang repormista si Dominador Gomez. Hindi siya separatistang nagtutulak ng rebolusyon at gusto nilang patunayan sa Espanya na kaya nilang makipagsabayan sa mga Espanyol na umaalipusta sa kanila. Noong 1895, nagtungo siya sa Cuba at sumanib sa hukbo ng Espanya. Dahil sa kaniyang pagvo-volunteer, pinarangalan siya ng Reyna Maria Cristina ng Espanya.

Nang makukob na ng mga Amerikano ang Pilipinas noong 1901, kasama si Gomez sa mga Pilipinong reportmistang nagsibalik sa Pilipinas. Nagtipon noong Pebrero 1902 ang 140 manlilimbag at nabuo ang isang unyon ng mga manggagawang tinawag na Union Obrero Democratica Filipina. Ang Ilokanong repormistang si Don Isabelo de los Reyes ang naihalal na pangulo ng UOD.

Noong 1903, pumalit si Gomez kay De los Reyes bilang presidente ng UOD matapos makulong si De los Reyes. Noong Abril ng taong din na iyon, nag-usap ang UOD at ni Gobernador-Sibil William Howard Taft para sa gaganaping Araw ng Paggawa sa Mayo 1. Kaso imbis na mauwi sa maayos na usapan, nagkabanggaan lang ng ideya at kuru-kuro sila Taft at Gomez. Hindi pinayagan ng Malakanyang ang kahit anong pagtitipon ng UOD at pinaratangan subersibo si Gomez. Itinuloy ng organisasyon ang pagtitipon sa harap ng Malakanyang noong Mayo 1, 1903. Ito ang unang Araw ng Paggawa sa Pilipinas.

Inaresto si Gomez nang araw ring iyon sa salang sedisyon at pagbuo ng illegal na asosasyon. Hinatulan siya ng pagkakakulong sa loob ng apat na taon at pinarusahan rin ng sa sapilitang paggawa. Inakusahan rin ang UOD ng pagtulong kay Macario Sakay na itinuturing na tulisanes at kalaban ng pamahalaan noong panahong iyon. Ipinaglalaban pa rin kasi ni Sakay ang kasarinlan ng Pilipinas. Dahil dito, unti-unting nanghina at tuluyang nabuwag ang UOD.

Para malinis ang kaniyang pangalan, nangako siya sa pamahalaang pasusukuin si Sakay at pinakawalan siya. Ipinadala siya ni Gobernador Henry Clay Ide kay Sakay noong 1905 para sa isang negosasyon. Ilan sa mga probisyon na dala ni Gomez ay ang pagbuo ng asemblea kung saan ito ay magiging hakbang upang maging malaya ang bansa. Humingi ng tatlong kundisyon si Sakay:

  1. Papayagan silang bitbitin ang kanilang mga armas
  2. Pagkakaroon ng amnestiya
  3. Payagan silang umalis ng bansa.

Pumayag ang mga Amerikano sa gusto ni Sakay sa pamamagitan ng kaniyang emisaryong si Heneral Leon Villafuerte.

Bumababa sina Sakay sa kabundukan noong Hulyo 20, 1906 at mainit na tinanggap ng mga kababayan. Ngunit pinagkanulo pala sila ni Gomez. Sa isang pagtitipon kung saan dumalo sina Sakay, inaresto si Sakay ni Koronel Harry Bandholtz at pinatay sa Old Bilibid Prison noong Setyembre 1907.

Hindi lang iyon ang desisyon ni Gomez na nagpasama sa kaniya sa kasaysayan. Noong 1900, tinatag nila Gomez, Pedro Paterno at Pascual Poblete ang Partido Nacionalista na naglalayong humingi ng autonomiya sa Amerika. Matapos ang ilang taon, lumipat siya ng partido at sinamahan ang mga Federo-Tercerista na gusto namang kumapit sa Amerika at naging matinding oposisyon laban sa mga Nacionalista. Traydor na, balimbing pa!

Nagpatuloy pa siya sa pulitika. Nahalal siya sa Asemblea ng Pilipinas noong 1909. Noong 1916 naman, naging pangulo siya ng municipal board ng Maynila matapos maglingkod bilang miyembro nito. Ang kaniyang unang hakbang ay ang pagpapaalala sa mga miyembro ng board sa kanilang responsibilidad sa bayan. Binawian siya ng buhay noong 1929.

Ngayon, isipin natin. Kung namatay si Gomez bilang isang propagandista, pagdududahan kaya natin ang kaniyang kadakilaan bilang isang tunay na bayani? Kaso dahil sa haba ng buhay niya, nag-iba ang tingin natin sa kaniya ng kasaysayan – tulad ng kaso ni Emilio Aguinaldo. Iba talaga ‘pag perfect timing.

Sources:

Batumbakal, Luisito. 10 Infamous Traitors in Philippine History. Retrieved from https://goo.gl/u8vCMS.

Chua, Michael Charleston. Paano at Saan Nagsimula ang “Labor Day”? Retrieved from https://goo.gl/eHByVW.

National Historical Commission of the Philippines. Filipinos in History: Dominador Gomez. Retrieved from https://goo.gl/RJvzgg.

Originally posted in the Heneral Luna Memes Facebook Page.

Featured Image: Dominador Gomez.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s